top of page

FULLY VACCINATED NA FRONTLINE HEALTH WORKERS, PWEDE NANG MAGPATUROK NG BOOSTER SHOT NG COVID-19

Joy Fernandez | iNEWS | November 17, 2021


Photo courtesy : CNN


Cotabato City, Philippines - Matapos magbigay ng Emergency Use Authorization o EAU and Food and Drug Administration sa ilang mga brand ng bakuna...


Pinahintulutan na simula ngayong araw, November 17 ang pagpapaturok ng booster shot ng Covid-19 para sa mga fully vaccinated na frontline healthworkers.


Subalit may tinitingnan pa ring pamantayan upang maging kwalipikado sa 3rd dose ng Covid-19 vaccine...


Kailangang hindi bababa sa 6 na buwan ang nakalipas simula nang makumpleto ng isang indibidwal ang kanyang bakuna.


Pahayag ng Department of Health, maaaring gamitin ang Moderna, Pfizer, o Sinovac bilang booster shot kahit pa ibang brand ng vaccine ang unang natanggap.


Para naman kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. may kalayaang pumili ang bawat indibidwal sa kung anong nais nilang bakuna, ngunit depende kung ito ba ay may available na suplay.


Dagdag rin ni Galvez na inaasahang sa susunod na linggo, masisimulan na rin pagturok ng booster shot ng covid-19 vaccine sa mga priority groups A2 o senior citizens at priority groups A3 o person's with commorbidities.

11 views
bottom of page