Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Kanselado ang gaganaping concert ni American singer David Bowden o kilala bilang si Pink Sweat$ sa Pilipinas.
Inanunsyo ng American Singer na hindi matutuloy ang Nakatakdang “Pink Sweat$ Presents Pink Moon” show nito sa September 27.
Bagama’t hindi pa isinisiwalat ang dahilan ng pagkansela ng show, humihingi naman ng pasensya ang promoter ng nasabing concert para sa mga fans na nadismaya.
Lahat naman ng ticket na nabili online at over the counter ay maasahang mare-refund.
Samantala, maliban sa Manila Concert nito, Cancelled din ang mga nakatakdang concert nito sa Singapore, Bangkok and Tokyo.
Kilala si pink sweat$ sa mga kanta nitong sumikat na “At My Worst,” “Honesty,” “Feel Good,” “Nothing Feels Better” at iba pa.