iNEWS | iMINDS PHILIPPINES
Huling namataan ang bagyo sa layong 300 kilometers Silangang Timog Silangan ng Guiuan Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso naman ng hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour.
Nakataas ang Signal no. 1 sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande
Habang sa nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Para naman sa pagtaya ng panahon sa COTABATO CITY bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 31 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.
Sa MAGUINDANAO papalo mula 23-32 degree celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa SOUTH COTABATO, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.
Sa NORTH COTABATO papalo ang temperatura mula 23-31
degree celsius at 90 percent chance of rain.
Sa ZAMBOANGA CITY papalo ang temperatura mula 26 to 30 degree celsius at 70% ang tsansang uulan.
Habang sa LANAO DEL SUR naman papalo ang temperatura mula 18 to 24 degree celsius at 90% ang TSANSA na uulan
Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:58 ng gabi.
