top of page

GENERAL POWERS| INTERGOVERNMENTAL RELATIONS


Photo Courtesy: BTA BARMM

BTA PARLIAMENT, HINIMAY SA PAGPAPATULOY NG DELIBDRASYON NG BTA BILL NO. 30 ANG GENERAL POWERS AT INTERGOVERNMENTAL RELATIONS


Bangsamoro Autonomous Region - Tinutukan ng BTA parliament sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng proposed Bangsamoro Local Governance Code ang mga probisyon na nakapaloob sa Chapters II at III sa ilalim ng Book 1 ng panukalang batas.


Hangad ang responsive at accountable local government structure sa pamamagitan ng decentralization sa pagsusulong ng Bangsamoro Local Governance Code.


Sa pagpapatuloy ng deliberasyon kahapon, tinalakay ang mga probisyon na nakapaloob sa Chapters II at III sa ilalim ng Book 1 ng panukalang batas.


Sa ilalim ng Chapter 2 ay ang general powers and attributes para sa local government units habang sa ilalim ng Chapter 3 ay ang intergovernmental relations.


Ang BTA Bill No. 30, o ang Bangsamoro Local Governance Code, ay naakop sa lahat ng constituent provinces, cities, municipalities, barangays, and other political subdivisions, as well as officials, offices, or agencies ng Bangsamoro government.


Magbibigay din ito ng malinaw na direksyon sa pagitan ng local government units at ng Bangsamoro Government.

4 views0 comments