top of page

GHOSTING, ISANG EMOTIONAL OFFENSE?

Updated: Jul 28, 2022

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Na-ghost ka na ba?


Nais ng isang mambabatas na gawing emotional offense ang "ghosting" o ang biglaang pagputol sa lahat ng paraan ng komunikasyon sa isang tao na walang dahilan.


Sa kanyang House Bill 611, sinabi ni Negros Oriental Third District Rep. Arnolfo Teves na ang "ghosting" ay isa ring uri ng emosyonal na pang-aabuso.


Sa ulat muna sa ABS CBN, sinabi ng mambabatas na iba na ang pakikipag relasyon ng henerasyon ngayon kumpara noon. Ngayon daw kasi, cellphone na ang paraan.


May mga pag aaral ding nagpapakita na ang anumang uri ng rejection sa lipunan kaya naman ang “ghosting” ay may parehong antas at epekto sa iba pang pang-aabuso.


Sinabi rin ni Teves na ang ghosting ay may masamang epekto sa mental state ng isang tao na-ghost at ang kanyang emosyonal na kalagayan ay apektado pa rin dahil palagi niyang iniisip ang kapakanan o hindi maipaliwanag na mga dahilan ng taong hindi na nagparamdam.


Gayun pa man, wala pang closure sa a naturang bill sa kamara.


Si Teves din ang nagsumite ng bill paymtungkol sa pagpapalit ng NAIA airport sa pangalang ni Ferdinand Marcos Sr.

0 views
bottom of page