top of page

GMSM Family Alliance sa Maguindanao, ipinakilala na rin ang iba pang kandidato sa Halalan 2022

Kate Dayawan | iNEWS | September 27, 2021


Cotabato City, Philippines - Pormal nang ipinakilala ng Family Alliance ng Mangudadatu, Sangki, Midtimbang, Mastura, Sinsuat, Ibay, Biruar at Paglas ang kanilang mga pambato sa darating na Halalan 2022 sa Maguindanao.


Si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang standard bearer ng grupo.


Magiging ka-tandem nito sa pagka bise gobernador ang may-bahay ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat na si Bai Fatima Ainee Sinsuat.


Tatakbo naman bilang Congresswoman ng 1st District ng Maguindanao si Member of Parliament Sittie Shahara Dimple Mastura.


Si Vice Mayor Mohamad "Tong" Paglas naman ang tatakbong Congressman sa ikalawang distrito ng Maguindanao.


Kakandidato namang alkalde ng Datu Odin Sinsuat ang kasalukuyang Vice Governor ng probinsya , Datu Lester Sinsuat.


Araw ng Sabado, September 25, nang pormal na isinagawa ng GMSM Family Alliance ang Political Declaration at Pronouncement sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Sultan Kudarat Governor Suharto 'Teng' Mangudadatu, MP Tucao Mastura, Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang at iba pang mga alkalde at board member ng una at ikalawang distrito ng Maguindanao.




11 views
bottom of page