GOOD HOUSEKEEPING FOR BUSINESS

Photo Courtesy: Cotabato City Government
Itinuro ng Department of Trade and Industry sa apatnapung Micro, Small and
Medium Enterpreneurs ang fundamentals ng 5S Good Housekeeping for business
Ibinahagi ni DTI 12 Chief Trade Industry Development Specialist-Industry of Development Maria Theresa Chua ang Good Housekeeping for Business sa apatnapung Micro, Small and Medium Enterpreneurs salungsod.
Ito ay ang 5S o Sort, Sweep, Systematize, Sanitize, and Self- discipline.
Layunin ng 5S Program ay matulungan ang mga negosyo sa Cotabato City na mapataas ang kanilang productivity at maging organize upang mabawasan o maiwasan ang mga pagkakamali na maaring magresulta sa dagdag gastos. Matutulungan din nito ang mga empleyado ng bawat MSMEs na maging masaya at aktibo sa kanilang mga tungkulin na magreresulta sa tuloy-tuloy na pag-unlad.
Ayon kay Cotabato City Administrator Atty. Aelan Arumpac, ang pagbahagi ng kaalaman tungkol sa fundamentals ng 5S Good Housekeeping for business ay magagamit ng mga negosyante hindi lamang sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo kundi maging sa kanilang sariling tahanan at sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.