Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Inilatag ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa pulong nito sa pagitan ng mga opisyal ng Aboitiz Company at MAGELCO ang electrification program ng lalawigan.
Pinangunahan ni Mr. Jokin Aboitiz ang Aboitiz Company sa pulong kasama ang mga kinatawan mula sa Cotabato Light at Davao Light. Naroon din si MAGELCO General Manager Suraina Kalid, at kinatawan mula sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ang ABOITIZ Power Corporation (AP) ay isang kilalang power generation at distribution company pati na rin sa retail ng kuryente at iba pang kaugnay na serbisyo.