top of page

GOV TAMAYO, LUMAGDA AT NAGPAKITA NG SUPORTA SA MOA SIGNING PARA SA SSSP NG NAPC

Joy Fernandez | iNEWS | December 2, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato


Cotabato City, Philippines - Dalawang probinsiya, labing walong siyudad at munisipalidad ang lumagda ng kausnduan sa pagitan ng National Anti-Poverty Commission o NAPC sa ilalim ng programang Sambayanihan Serbisyong Sambayanan Program.


Isa dito ang probinsya ng South Cotabato -


Kahapon, unang araw ng Disyembre, lumagda sa nasabing kasunduan si Governor Reynaldo S. Tamayo Jr. at NAPC NAPC Lead Covenor/Sec. Atty. Noel K. Felongco.

Ang Sambayanihan Serbisyong Sambayanan Program ng NAPC ay naglalayong mailatag ang kanilang pananaw at hakbang sa pagpapaba ng kaso ng kahirapan simula taong 2019 hanggang sa darating na taong 2023.


Binibigyang diin rin dito ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lahat ng sektor sa lipunan, mapa-nasyunal o lokal man na ahensya man, pribadong sektor, civil society groups, mga organisasyon at lalong lalo na ang mga nasa basic sector.


Hangad ng programang ito na mawakasan na ang matinding kahirapan na kinakaharap ng bansa.

18 views
bottom of page