top of page

GOVERNOR-ELECT BAI MARIAM SANGKI-MANGUDADATU, PATULOY NA MAGSISILBI BILANG ALKALDE NG MAGUINDANAO

Kael Palapar

MAGUINDANAO — Prinoklama na ng Provincial Canvassers bilang nanalong gubernador ng probinsya ng Maguindanao si re-electionist, Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at bise gobernador nitong si Bai Ainee Sinsuat.


Nakakuha ang gobernador ng 327,416 votes habang 209,229 votes naman ang nakuha ng katunggali nitong dating Maguindanao Governor at incumbent Maguindanao Second District Representative Congressman Esmael "Toto" Mangudadatu.


Patuloy na magsisilbi si Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa pangalawang nito termino.


Ipapagpapatuloy umano ng gubernador ang 10-point agenda na una nang nasimulan ng kanilang administrasyon


"Unang una ipagpapatuloy natin kugn ano ang maganda nating nasimulan. Kahit papano naman taas noo naman nating ipinagmamalaki ang ating mga angawa sa loob lamang ng maiksing panahaon." Ani Mangudadatu.


Panalo rin ang runningmate ni Mangudadatu na si Bai Ainee Sinsuat bilang kanyang bise gobernador na nakakuha ng 299,068 votes habang 228,031 votes naman ang nakuha ng kanyang katunggaling si Bai Sandra Sema.

44 views
bottom of page