top of page

GRAND RALLY NG TEAM AGILA, DINAGSA NG MGA TAGASUPORTA SA SOUTH UPI, MAGUINDANAO

KATE DAYAWAN

(Photo Courtesy: Makabagong Maguindanao) MAGUINDANAO - Mainit ang naging pagtanggap ng mga South Upians sa Team Agila na pinangungunahan ni Incumbent Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa isinagawang grand rally nito sa bayan.


Sa naging pahayag ni Governor Mangudadatu, sinabi nito na kanya pang ipagpapatuloy ang nasimulan ng kanyang administrasyon na mga pagbabago sa lalawigan. Ipagpapatuloy rin umano nito ang mga programa at serbisyo na karapatang matamasa ng bawat mamamayan sa Maguindanao.

Payo ng gubernador sa kanilang mga tagasuporta na tanggapin kung mayroon mang ibinibigay na tulong ang rehiyon dahil pera lamang din umano ito ng bayan.


Hindi rin umano nakikipagkumpitensya ang pamahalaang panlalawigan dahil ang layunin nito ay ang magkaisa upang maiangat ang antas ng Maguindanao.


Kasama ng gubernador sa kanyang pagsuporta ang kanyang provincial slate tulad nina Vice gubernatorial candidate Bai Ainee Sinsuat, tumatakbong congressman na si Tong Paglas at mga board members nito.


16 views
bottom of page