Kate Dayawan | iNEWS | September 20, 2021
Cotabato City, Philippines - Pinasinayaan ni Atty. Omar Yasser Sema ang groundbreaking ceremony para sa isang barangay health center na may birthing station sa isang barangay ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kasabay nito ay itinurn-over rin ni Atty. Sema ang isang tire path project sa nasabing bayan.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat Mayor Cheryl Mary Rose Ann F. Lu-Sinsuat, isa umano sa mga challenges ng barangay at kalapit na lugar ay ang access sa health care at birthing station para sa mga kumikita ng mababa at marginalized sectors.
Sinabi rin nito na sa pamamagitan ng tire path na itinurn-over ay mababawasan ang pasanin ng mga mangangalakal sa lugar at mapapadali na lang na maidala sa sentro ang kanilang mga produkto mula sa bundok.
Bukod sa nasabing proyekto, nagbigay din ng sustainable water supply system si Atty. Sema sa bayan naman ng Sultan sa Barongis, Maguindanao.
Ang mga pondong ginamit ay mula sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Sema.
