Amor Sending | iNEWS | December 13, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of Cotabato
Cotabato City., Philippines - Pormal ng sinimulan ang konstruksyon ng limampung milyong
Trade and Processing Center sa north cotabato, matapos ang isinagawang ground breaking ceremony at time capsule laying, noong Biyernes ika sampu sa buwan ng Disyembre.
Ang itatayong processing center ay pinondohan sa ilalim ng 2021-5% Gender and Development Fund ng lalawigan at inaasahang pakikinabangan ng mga micro, small, and medium enterprises, kasama na ang mga local traders, farmers, at iba't ibang grupo upang mapaganda, maihanda, at mas makilala ang mga lokal na produkto ng Probinsya.
Ayon kay, Provincial Planning and Development Coordinator Cynthia Ortega, ang itatayong trade and processing center ay parte lamang ng Cotabato Agro-Industrial Park na itatayo sa mahigit 27 hectare na lupain sa Brgy. Pag-asa, Mlang, Cotabato ilang kilometro ang layo mula sa tinatapos na Central Mindanao Airport.