top of page

GUN BAN VIOLATOR, ARESTADO SA COMELEC CHECKPOINT

Kate Dayawan | iNews | January 13, 2022


Photo Courtesy: PRO BAR



Cotabato City, Philippines- Timbog ang trentay uno anyos na si Acraman matapos na mahulihan ng baril sa inilunsad na COMELEC Checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng 1401st Regional Mobile Force Company, RMFB14 at Parang Municipal Police Station sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao noong Martes, January 11. Sa report mula sa Police Regional Office BAR, sinusuri ng mga personnel ng PRO BAR ang isang Suzuki minivan na minamaneho ng suspek nang mapansin ng mga ito ang isang pistola na nakalagay sa isang sling bag ng suspek. Nang hanapan ng dokumento ay bigo itong maipakita ng suspek at wala ring Certificate of Authority mula sa Committee on Ban on the Firearms and Security Concerns dahilan upang inaresto ito ng PNP. Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber .45 Kimber pistol na may isang magazine at pitong bala. Papatawan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang nahuling suspek na sa ngayon ay nakapiit na sa Parang MPS.

8 views
bottom of page