top of page

GUN MAN SA LIKOD NG PAMAMARIL-PATAY SA ISANG NURSE SA DOS, MAGUINDANAO DEL NORTE, SUMUKO

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Sumuko sa otoridad ang gun man na nasa likod ng pamamaril- patay sa nurse na si Nelson Mantawil loob ng Dinaig District Hospital sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte.


Pitong araw ding nagtago sa otoridad ang suspek na si Bot Nur matapos na maganap ang krimen nitong a bente syte ng Oktubre.

Photo courtesy: MPS DOS


Ayon kay PLTCOL Nelson Madiwo, isinuko ng kanyang pamilya ang suspek sa LGU at itinurn over sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station at kay Maguindanao PNP Director, Police Colonel Ruel Sermese upang ma-imbestigahan.


Nahaharap ang suspek sa kasong homicide.


Matatandaan na lumabas sa imbestigasyon ng PNP na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng suspek na si Bot Nur at ang nurse na si Nelson Mantawil sa akala ng suspek na mamamatay ang kanyang anak sa ibinigay na gamot sa pananakit ng tiyan dahil nakakaranas ito ng pagsusuka.


End

0 views
bottom of page