top of page

Gun runner, arestado sa inilunsad na entrapment operations ng PNP sa Sultan Mastura, Maguindanao

Kate Dayawan | iNEWS | October 26, 2021


Cotabato City, Philippines - Nahulog sa bitag ng Sultan Mastura Municipal Police Station, RMFB14, RSOG Police Regional Office BAR ang gun runner na kinilalang si alyas Samanodin matapos na ilunsad ang isang entrapment operations on Loose Firearms sa Barangay Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao pasado alas dose ng hapon noong Sabado, October 23.


Ang suspek ay isang trenta y sais anyos na driver at residente ng Barangay Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.


Nakumpiska mula sa posesyon ng suspek ang isang 5.56mm M16 Rifle, isang M203 Grenade Launcher at isang 40mm CTG ball.


Nakuha rin ang iba pang ebidensya na kinabibilangan ng isang Toyota Revo, boodle money at dalawang cellphone.


Nasa kustodiya na ngayon ng Sultan Mastura MPS ang suspek para sa wastong disposisyon at pagpataw ng kaukulang kaso.


Pinuri naman ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng PRO BAR, ang operatiba. Determinado umano ang PRO BAR na sugpuin ang mga loose firearm sa rehiyon ng Bangsamoro.




0 views
bottom of page