GUN RUNNER AT DRUG PEDDLERS

Photo Courtesy: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region
Arestado ng otoridad sa Sulu ang dalawang gun runners at drug peddlers sa ikinasang patrol operation.
Naispatan ng otoridad na may sukbit na baril habang nagmomotor ang kinilalang si Alfaisser at Mushrif habang nagsasagawa ng patrol operations sa Barangay Asturias, Jolo, Sulu, pasado ala sais ng gabi, Abril a trenta.
Nang sinita ng mga pulis, imbes na huminto umano ay pinahaharurot ng mga ito ang motorsiklo. Nasukol din at naaresto ang mga suspek matapos ang habulan.
Narekober mula sa ito ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na hinihinalang shabu.
Naglalaman ito ng 0.100 grams, isang Aluminum foil , isang KG9 Cal. 9MM Machine Pistol na may Serial Number 01681, isang Magazine ng Cal. 9MM Machine Pistol, 24 rounds na mga bala ng live Cal. 9MM, at isang Honda XRM Motorcycle 125 kulay itim.
Ang mga naaresto ay mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act" at R.A. 9165 o ang "Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002".
Nasa kustodiya na ngJolo MPS ang mga ito at ang mga narekober na mga ebidensiya para sa wastong disposition.
Pinuri naman ni PNP BARMM Regional Director Allan Nobleza ang mabilis na aksyon ng mga pulis sa lugar na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspek.