top of page

GUNRUNNER, ARESTADO MATAPOS MAHULI SA AKTONG NAGBEBENTA NG MGA HINDI LISENSYADONG ARMAS

Updated: Sep 16, 2022

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Arestado ang isang kwarenta anyos na gunrunner sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa Datu Paglas, Maguindanao nitong September 13.


Ayon sa Police Regional Office BAR, naaresto ang gunrunner na si alyas Nashrollah matapos mabilhan ng isang undercover agent na nagpanggap na buyer.


Hindi naman nanlaban ang naarestong suspek at nakumpika sa pag-iingat nito ang Ata M16 A1 rifle, one Bushmaster rifle, at Colt rifle,


Nasamsam din ng pulisya ang sasakyan ng suspek, cellphoner Toyota Vios, mobile phones, at iba oang personal na gamit.


Nahaharap na ang suspek sakasong oagalabag sa Republic Act 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

59 views
bottom of page