top of page

Guro, arestado sa anti-illegal drug operation ng PNP sa Cotabato City

Kristine Carzo | iNEWS | September 10, 2021


Cotabato City, Philippines - Napasakamay ng mga otoridad ang isang senior high school teacher matapos na maaresto sa ikinasang buybust operation ng PNP sa Si Avenue Barangay Tamontaka Mother, Cotabto City.


Sa report mula sa Cotabato City PNP, pasado alas-otso ng gabi, araw ng Miyerkules nang nakipag transaksiyon ang suspek sa isang nagpanggap na poseur buyer at nabilhan ito ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso.


Bukod sa iligal na droga nakuha rin sa posesyon nito ang buybust money na ginamit sa operasyon.


Hawak na ngayon ng PNP Station 3 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





10 views
bottom of page