top of page

HABAGAT, NAKAKAAPEKTO SA MALAKING BAHAGI NG BANSA

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center habagat na lamang ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.


Partikular sa Kanlurang bahagi ng Central Luzon at gayundin sa Southern Luzon.


Samantala, wala namang namo-monitor ang PAGASA na kahit anong sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.


At para naman sa ating magiging panahon bukas..


Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 33 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 34 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.

Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 32 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.

22- 32 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 80% ang tsansang uulan.

Sa Zamboanga City, mula 26-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.

Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 18-27 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:45 ng umaga at lulubog 5:36 ng hapon.

End.

0 views
bottom of page