top of page

HALOS 2,000 MILF COMBATANTS, MATAGUMPAY NA NAISAILALIM SA DECOMMISSIONING PROCESS SA 1ST QTR 2022

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 11, 2022

Photo courtesy: OPAPP


Cotabato City, Philippines - Abot sa 1,950 na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang matagumpay na sumailalim sa third phase ng decommissioning process para sa unang kwarter ng taon sa ilalim ng normalization track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.


Sa report mula sa Office of the Presidential Adviser on Peace Process, sinabi ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) nakatanggap ng tig-iisang daang libong pisong halaga ng transitional cash assistantce ang mga decommissioned combatants mula February 15 hanggang March 3 sa pamamagitan ng Task Force for Decommissioned Combatants and their Communities (TFDCC).


Bahagi ng ipinagkaloob na socioeconomic package ay ang 80,000 pesos na halaga ng Transitory Family Support (BTFS) Package na magagamit ng mga ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, hygiene kits, sleeping materials, kitchen and shelter kits, medical, educational and transportation allowances.


Nakatanggap rin ang mga ito ng 20,000 pesos worth ng Livelihood Settlement Grant (LSG) na magagamit ng mga ito pangkapital upang makapagsimula ng isang maliit na negosyo o di kaya’y pambili ng kanilang panimula para sa kanilang magiging negosyo sa hinaharap.


Sa datus mula sa OPAPRU, umabot na sa 5,250 MILF combatants ang tapos nang sumailalim sa third phase ng decommissioning process noong November at December 2021 at nasa 19,345 na mga dating combatants na ang nagtapos na sa ikatlong phase simula noong 2015.


Nakatakda namang isasailalim sa third phase decommissioning process ang nasa 14,000 MILF members ngayong taon.



11 views
bottom of page