top of page

HAYATUL ULAMA SA REHIYON, TUMANGGAP NG TATLONG BUWANG STIPEND MULA SA PROGRAMANG MOLE-BEPW

Joy Fernandez | iNEWS | December 13, 2021

Photo courtesy : MOLE


Cotabato City, Philippines - Sa ilalim ng programang Bureau of Employment Promotion and Welfare ng Ministry of Labor and Employment-BARMM—


Tumanggap ng tatlong buwang stipend noong ika-dalawa ng disyembre ang mga Hayatul Ulama sa rehiyon.


Pinangunahan ni Director Sara Jane Sinsuat at ilan pang mga kasamahan nito na sina MOLE Consultant Ustadz Marhan Borhan at MOLE Lanao del Sur Head Noralyn Dimaluna ang pamamahaging ito.


Layon ng Ministry of Labor and Employment na bigyang oportunidad ang mga Ulama sa Rehiyon ng Bangsamoro upang mas mapalaganap pa ang Relihiyong Islam.


Kasabay din ng nasabing programa ay ang pagsasagawa ng Continuing Labor Education and Career Coaching for Graduating Students na layong magabayan ang bawat estudyante sa kukunin nilang kurso pagdating nila ng Kolehiyo.


7 views
bottom of page