top of page

HEALTH, AGRO-INDUSTRIALIZATION AT PEACE&ORDER, NANGUNGUNA SA PLATA PORMA DE GOBYERNO NI GOV NANCY

Kate Dayawan

NORTH COTABATO — Sa plano ng pagpapatuloy ng kanyang ikalawang termino bilang gubernador ng North Cotabato, inilatag ni Governor Nancy Catamco ang tatlong prayoridad nito sa kanyang Plataporma de Gobyerno.


Una na dito ay ang kalusugan kung saan ay ipagpapatuloy umano nito ang pagpapaunlad ng mga serbisyo at kagamitan ng mga pampublikong ospital sa lalawigan.


Pangalawa ay ang Agro-Industrialization kung saan ay tatapusin umano ng gubernador ang Cotabato Agro- Idustrial Park ( CAIP) na kinabibilangan ng Trade and Processing Center, Silage production facility, Cattle /Goat dairy production, Poultry Dressing Plant, Cold Storage, Feedmil at Fruit Hub.


At pangatlo ay ang Peace and Order sa probinsya na kung saan ay plano nitong magpatupad ng Integrated Command Center bilang paghahanda sa pagbubukas ng Central Mindanao Airport.


Bukod dito ay binigyang diin din ni Catamco ang iba’t ibang programa na magtuturo at magbubukas ng alternatibong pagkakakitaan para sa iba’t ibang sektor sa lalawigan.

1 view
bottom of page