HIGH-VALUE INDIVIDUAL ARESTADO

Photo Courtesy: Police Regional Office 12 - Public Information Office
Kalaboso naman sa Midsayap, Cotabato Province ang isang High-Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad.
Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga elemento ng Midsayap Municipal Police ang 39-anyos na kinilala sa alyas na Jaime sa Purok Highway, Barangay Agriculture, Midsayap, Cotabato Province, a dos ng Mayo.
Nakuha sa posesyon nito ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 0.15 grams at may Standard Drug Price Php1125.00.
Nakuha din ang isa pang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalalang shabu na tumitimang ng mahigit kumulang 0.18 grams at may SDP na 1,350.00, isang Para Ordnance Cal.45 pistol na mayroong magazine at bala, isang cellphone, isang pouch at One thousand peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Inihahand na ng Midsayap MPS ang kasong paglabang sa Sections 5 at 11, Article II ng RA No. 9165 at RA 10591.