top of page

HINDI TOTOO ANG P300M


Pinasinungalingan ng United Mayors of Maguindanao del Norte ang kumakalat na impormasyon na umanoy binigyan sila ng tatlong daang milyong piso kada isa kapalit ng kanilang paghayag ng suporta at pag endorso kay OIC Governor Abdulraof Macacua.

Naglabas ng joint statement ang United Mayors Maguindanao del Norte upang ihayag ang kanilang saloobin sa isyu ng liderator sa probinsya ng Maguindanao del Norte.



Ayon sa siyam mula sa labin dalawang alkalde ng norte, ang kanilang pag endorso at paghayag ng suporta sa dating Senior Minister ng BARMM Abdulraof Macacua na pamunuan ang probinsiya ng norte ay dumaaan sa masusing konsultasyon mula sa kani-kanilang mga lider.


Naniniwala ang siyam na alkalde na mapagkaisa ni Macacua ang mga mamamayan at lider ng probinsya.


Pinasinungalingan din ng grupo ang kumakalat na impormasyon na umanoy binigyan sila ng tatlong daang milyong piso kada isa kapalit ng kanilang pag endorso at suporta.


Iginiit ng mga alkalde na tanging si Abdulraof Macacua lamang ang kanilang kinikilalang gobernador sa probinsya ng Maguindanao del Norte.


Nanawagan din ang mga alkalde na respetuhin ang naging desisyon at pagtalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa dating senior minister bilang OIC Governor ng Maguindanao del Norte.

14 views0 comments