top of page

HONORIS CAUSA CONFERRAL



Sinaksihan ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu kasama si DILG Secretary Benhur Abalos, mga opisyal ng Sultan Kudarat Province at faculty and staff ng Sultan Kudarat State University Campus ang Honoris Causa Conferral ni First Lady Madam Louise Araneta Marcos.

Photo Courtesy: Sultan Kudarat State University


Dinaluhan ng daan daang mag-aaral at mga guro ng Sultan Kudarat State University ang Honoris Causa Conferral ni First Lady Madam Louise Araneta Marcos.


Sinaksihan din nito ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu kasama si DILG Secretary Benhur Abalos, mga opisyal ng Sultan Kudarat Province at faculty and staff ng Sultan Kudarat State University


Pinagkalooban ng Sultan Kudarat State University ng honorary Doctor of Philosophy in Institutional Development and Management ang unang ginang, kahapon, Abril 27, 2023, sa SKSU Gymnasium, ACCESS Campus, EJC Montilla Tacurong City para sa kanyang mahalagang kontribusyon sa bansa at sa komunidad ng SKSU.


Ang First Lady ay isang lawyer, professor, advocate of education, culture, arts, and tradition.


Naniniwala ito na lahat ay may potensyal na maging isang top notch lawyer kung bibigyan ng kinakailangang gabay at suporta. Ang unang ginang ay aktibong tagasunod ng pangangalaga ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng patuloy na dokumentasyon at pananaliksik, at isang patron ng Sining.


Ang Unang Ginang ay isa sa Board of Trustees ng Asian Cultural Council na ang adbokasiya ay isulong ang internasyonal na diyalogo, pagkakaunawaan, at paggalang sa pamamagitan ng mga aktibidad sa pagpapalitan ng kultura sa Asya at Estados Unidos upang lumikha ng mas maayos at mapayapang mundo.


Ginawaran din siya bilang unang adopted daughter ng Sultan Kudarat State University.

11 views0 comments

Recent Posts

See All