top of page

House Bill 10121, aprubado na!

Kate Dayawan | iNEWS | September 16, 2021


Cotabato City, Philippines - Aprubado na third at final reading ng kongreso ang House Bill 10121 o ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang kauna-unahang Parliamentary Election sa BARMM.


Sa halip na itinakda ito sa taong 2022, kapag ganap na naisabatas ang panukala isasagawa na ito sa taong 2025.


Nakasaad rin sa House Bill 10121 na mapapalawig ng tatlong taon ang transition period sa BARMM.


187 na mga mambabatas mula sa lower chamber ang bumoto pabor sa HB 10121 habang wala namang bumoto ng NO o nag-abstain.


Bago ang pag-usad sa third and final reading ng isinusulong na panukalang batas, nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng “certificate of necessity” upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang BangsamoroTransitional Government na makumpleto ang mandato, makapagtatag ng isang malakas na burukrasya, makagawa ng foundational codes na kailangan sa pagkamit ng inaasam na pagkakaisa, genuine autonomy at mapaunlad ang rehiyon ng Bangsamoro.


Matapos maipasa sa 3rd and final reading sa mababang kapulungan-


Tatalayin ng dalawang kapulungan ng kongreso ang pagkaka-iba ng House Bill 10121 sa inaprubahang Senate bill 2214 na una nang naipasa sa Senado.


Habang sa bersyon naman ng Senado, minamandato nito sa susunod na uupong pangulo ng bansa ang pagtatalaga ng mga bagong miyembro na magsisilbi hanggang sa June 30, 2025 o hanggang sa maidaos ang unang parliamentary elections at maluklok ang mga bagong halal na opisyal.


Bunsod nito ay maghaharap sa bicameral conference committee ang dalawang kapulungan ng kongreso upang talayin ang mga salungat na usapin mula sa dalawang bersyon ng panukala.




10 views
bottom of page