Kate Dayawan | iNEWS | September 7, 2021
Cotabato city, Philippines - Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2214 o ang panukalang batas na magpapalawig sa Bangsamoro Transition Authority hanggang sa taong 2025.
Ito’y matapos ang isinagawang plenary session kahapon, September 6.
Sa isinagawang pagbasa, labing lima ang bumuto ng Yes o ang sang-ayon sa pagpapalawig ng BTA Transition, tatlo ang bumuto ng No habang isa naman ang nag-abstain o hindi lumahok sa nasabing desisyon.

Samantala, prubado na rin sa third and final reading ng kongreso ang House Bill No. 9925 o ang Marawi Compensation Bill kahapon, September 6.
Ang panukalang batas na ito na isinusulong ang Anak Mindanao Partylist ay naglalayong magbigyan ng compensation ang mga kwalipikadong claimants na nawalan o nasiraan ng tahanan at mga commercial property na resulta ng 2017 Marawi Seige.
Sa naganap na botohan, 197 ang bumoto ng Yes, walang bumoto ng No at wala ring nag-abstain.
