top of page

Humigit kumulang 400 kabahayan, nasunog sa Zamboanga City!

Kate Dayawan | iNews | October 14, 2021


Cotabato City, Philippines - Naabo at tanging mga sementong dingding na lamang ang nakikita sa nasunog na mga kabahayan sa Purok 3B, Dacon area, Barangay Recodo--


Ito’y matapos na sumiklab ang apoy pasado ala una ng madaling araw noong Miyerkules kung saan abot sa mahigit kumulang 400 bahay ang nasunog at nasa 523 na mga pamilya na mayroong 2, 821 na indibidwal ang nawalan ng tirahan.


Ayon kay City Fire Marshall FCI Jacqueline Ortega, wala namang naiulat na nasawi sa nasabing insidente ngunit tinatayang aabot sa apat na milyong piso ang halaga ng naiwang danyos ng sunog.


Base sa naging imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng lungsod ng Zamboanga, isang naiwalng kandila ang naging sanhi ng sunog na tinatayang aabot sa 15,000 square meters area.


Umabot ito ng second alarm at na-under control ito pasado alas tres na ng madaling araw. Pasado alas kwatro naman ng ideklara itong fire out.


Agad naming nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga na pinangunahan mismo ni Mayor Beng Climaco sa mga naapektuhang pamilya na kasalukuyang namamalagi ngayon sa Recodo NHS covered court at sa barangay covered court.


Nakatakda naming magsagawa ng tagging ta concensus ang Housing and Land Management Division kasama ang City Assessor's Office and the City Engineer's Office sa mga apektadong pamilya sa lugar.




0 views
bottom of page