top of page

IACAT, NAGLUNSAD NG KONSULTASYON SA BARMM HINGGIL SA PAGBUO NG STRATEGIC PLAN LABAN SA TRAFFICKING

Kael Palapar

COTABATO CITY — Sa 2021 na datos ng Recovery and Reintergration Program for Trafficked Persons ng Ministry of Social Services and Development o MSSD-RRTP, mahigit limampung documented cases na ng human trafficking ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.


Hanggang ngayon, ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT, nagpapatuloy pa umano ang iba't ibang klase ng human trafficking sa rehiyon.


"Base sa research namin and consultation before, nagconduct na rin kami ng trainings kasi high ang cases ng illegal trafficking dito sa BARMM so kailangan talagang maddress yon." ani Del Rosario, ang secretariat ng IACAT.


Kahapon, May 18, nagsagawa ng konsultasyon ang IACAT katuwang ang iba't ibang international non-government organizations at ministry offices ng BARMM upang bumuo ng strategic plan hinggil sa pagpuksa sa human trafficking sa rehiyon.


"Syempre, importante ito para malaman natin kung ano ang steps natin para malabanan ang trafficking dito sa Philippines, especially ngayon kinaconduct namin ang consultation para labanan ang trafficking sa barmm. Gusto natin talaga iaddress yung different types of trafficking na nangyayari dito. so ano ba talga dapat yung gawin ng government, ng mga NGOs, paano kami magtutulungan para mapigilan ang mga ganong pangyayari." dagdag ni Del Rosario.


Sa ilalim ng Section 2 ng Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, bibigyan ng pinakamataas na prayoridad ang pagpoprotekta sa anumang karahasan at pagsasamantala sa mga trafficking in persons.


Enero 2020, bumuo ng Bangsamoro Task Force Against Trafficking ang Bangsamoro Government at Ople Policy Center and Training Institute, Inc o Ople Center na naglalayong tugunan ang mga biktima ng human trafficking sa buong rehiyon.

5 views
bottom of page