Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Magpapatupad ng mga hakbang ang Kagawaran ng Agrikultura (DA) upang mapalakas ang produksyon ng asin sa bansa na isa mga kinakailangan ng commercial at industrial users.
Ang DA, sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ay mamumuno sa iba't ibang pananaliksik at pagpapaunlad at magbibigay ng teknikal na tulong sa mga marginal at artisanal salt maker.
Noong nakaraang taon, ang BFAR ay nagtakda ng P100-million Development of the Salt Industry Project (DSIP) sa ilalim ng Special Budget Request (SBR) ng Congressional-Introduced Initiative Project.
Sakop ang regions 1, 6, at 9, ang proyekto ay naglalayong pataasin ang produksyon ng asin at makagawa ng magandang kalidad ng asin sa pamamagitan ng pagpapahusay at pagpapabuti ng iba't ibang pamamaraan at kasanayan sa paggawa ng asin, at pagsunod ng produkto sa mga pamantayan sa kaligtasan ng pagkain.
Ang proyekto ay magkatuwang na isinagawa ng BFAR Central Office, ng National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), at mga tanggapan ng BFAR sa iba’t ibang rehiyon.
Sa ilalim ng ASIN law, ang DENR , kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno ay dapat tukuyin ang mga lugar na angkop na gamitin bilang mga salt farm na may layuning protektahan ang mga nasabing lugar mula sa mga panganib sa kapaligiran upang matiyak ang pagpapanatili ng produksyon ng iodized salt.
Ang batas ay nag-uutos din sa DTI na tulungan at suportahan ang mga lokal na producer/manufacturer ng asin sa pag-upgrade ng kanilang mga teknolohiya sa produksyon upang isama ang iodization sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na makakuha ng soft loan at tulong pinansyal para sa pagbili ng mga salt iodization machine, packaging equipment at teknolohiya at fortificant; at sa pamamagitan ng pagtiyak ng sistematikong pamamahagi ng iodized salt sa merkado.
Ang ASIN law ay nag-aatas ng pagdaragdag ng iodine sa lahat ng asin na inilaan para sa pagkonsumo ng hayop at tao upang maalis ang micronutrient malnutrition sa bansa.