Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

MANILA - Sulyapan ang mga kumikinang at stunning outfits ng mga politician sa naganap na SONA kahapon.
Dumadalo man siya sa mga fashion show sa Paris o namamalagi sa Balesin Beach Club, ang mga outfit ni Heart Evangelista ay palaging masterclass sa pagiging fashion icon. Nananatili stunning aktres kahit sa pagbubukas ng sesyon ng Senado at sa unang SONA ni Marcos Jr., kung saan makikita siyang nakasuot ng eleganteng modernong Filipiniana ni Mark Bumgarner.
Ang dahilan kung bakit kakaiba ang damit ay kung paano nilalaro ni Bumgarner ang mga materyales, na tumutugma sa draped top ng damit na may beaded lace bottom. Mas tumingkad pa si Evangliesta sa kanyang cream na Hermes Kelly bag, pearl necklace, pati na rin ang mga gintong pulseras at singsing.
Dumalo si dating justice undersecretary Emmeline Aglipay-Villar sa opening session ng 19th congress suot ang kaniyang modern baro't saya na tugma sa barong ng kanyang asawang si Senator Mark Villar.
Ang damit, na idinisenyo ni Lulu Tangan ilang taon na ang nakalipas, ay nagtataglay ng contemporary twist sa tradisyonal na damit na may diagonal embossed line pattern na pinatungan ng beaded embroidery. Ang pagkumpleto ng look ay ang eleganteng side bow sa baywang.
Dumalo si Ladylyn Riva-Tieng sa SONA kasama ang kanyang asawang si Manila 5th District Congressman Irwin Tieng. Pinili ng mom-to-be ang isang kulay lilac na midi Filipiniana na damit at katugmang face mask, at piniling tapusin ang kanyang look gamit ang mga asul na sapatos.
Dumalo ang Advertising executive at asawa ni Senator Sonny Angara, Tootsy Angara sa pagbubukas ng 19th Congress of the Senate of the Philippines na nakasuot ng Maria Clara-inspired off-shoulder lace gown ni Michael Leyva.
At ito pa, magpapahuli ba ang kapatid ng pangulo na si Imee?
Dumating si Senator Imee Marcos suot ang kaniyang Royal Blue Custom Terno na likha Davao-based designer na si Edgar Buyan.
May touch of grinding wheat pattern na sumasalamin sa agrikultura.
Hindi naman nagpahuli ang May-ari ng Kaayo Modern Mindanao at asawa ni dating Cabinet Secretary Karlo Nograles, si Marga Nograles na dumalo suot ang kaniyang custom na Kaayo terno na hinabi ng Maguindanao Tribe ng South Cotabato at hand beaded ng TBOLI Tribe ng Lake Sebu.
Itinataas din ni Senator Risa Hontiveros ang bandila ng mga local artist mula ulo hanggang paa. Ang LGBTQ+ at women's rights advocate ay dumalo sa pagbubukas ng sesyon ng 19th Congress sa kanyang baro't saya, na aniya ay gawa sa "Aklan Piña fabric and hand-embroidered in Lumban, Laguna."
Dumalo si Senador Nancy Binay sa pagbubukas ng sesyon ng Senado sa kanyang tradisyonal na Filipiniana ni Randy Ortiz. Ayon sa Instagram post ng senador kanina, ang damit ay gawa sa all-piña fabric mula sa Aklan. Pinaganda ito ng callado embroidery sa manggas at sampaguita cutouts sa harap at likod.
Pinili naman ni Biñan City Congresswoman Len Alonte na magsuot ng classic Filipiniana ni Michael Leyva sa SONA. Ayon kay Leyva, ang damit ay nagtatampok ng puting lace at nababalutan ng tulle gown.
Kung mapapansin, moderno at tradisyunal na Kasuotan ang mga damit ng nga dumalo dahil sa tema bg kaganapan. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng kasuotang may political message na maaaring mambatikos sa kapwa pulitiko.