top of page

IBINASURA ANG REKLAMO LABAN SA 5 LALAKI NA NAKUHANAN NG VIDEO SA LOOB NG 1 PRESINTO SA COTABATO CITY

Kate Dayawan

COTABATO CITY - Ito ang video na iprenisinta ni Cotabato City Administrator at kumandidatong konsehal Dr. Danda Juanday sa isang press conference noong May 10, 2022 isang araw matapos ang halalan.


Sa video makikita ang limang lalaki na may hawak ng mga balota. Mayroon ding pulis sa loob ng presinto.


"Meron lang kaming gustong i highligt na nagpapatunay na dinaya talaga, sa video pinapagalitan yong mga naka upo na kunywar nagashade ng ballots" ani ni Juanday.


Sa imbestigasyon ng PNP BARMM kuha ang video sa cluster precinct number 74 ng Amerol Elementary School sa Barangay Kalanganan Cotabato City ala siete singkwenta ng gabi noong May 9.


Agad ring inaresto at dinitene sa Cotabato City Police Office ang limang indibidwal na nasa video.


"Sa Inquest resolution ng Cotabato City Prosecutors Office, sinampahan ng reklamo kaugnay sa paglabag sa Article XXII, Section 261, Paragraph Z, Sub Paragraph 3 of the Omnibus Election Code ang nakitang mga lalaki sa video." giit ni Cabalona.


May 11, 2022, dinismis ng piskalaya ang reklamo dahil sa wala itong probable cause o sapat na basihan para sampahan ng kasong kriminal ang mga lalaking nasa video na may hawak na balota.


"Base sa nakita sa tv, i observed walang shade yon, it will put some discredit to pnp ang allagetaion na yan. only a mere allegation, under the law the one who alleged shall prove the same." dagdag ni Cabalona.


Ito naman ang isa pang video na iprenisinta rin sa press conference kung saan pinunit naman ang mga balota.


Ayon sa PNP, magkaiba umano ang insidente ng umanong shading at paghawak ng balota sa isa namang video rin ng pamumunit ng balota.


"Under the omnibus election laws, after magclose ng voting lahat ng natirang balota ay punit yan lengthwisely." ani Cabalona.


Sa naging assessment ng COMELEC at PNP, naging mapayapa sa pangkalahatan ang naging halalan sa lungsod ng Cotabato City kung saan mga miyembro ng PNP BARMM ang nagsilbing Electoral Board.


Naiproklama na ang mga nanalong kandidato sa Cotabato City noong gabi ng May 9 kung saan wagi sa pagka alkalde ang kandidato ng United Bangsamoro Justice Party na si Bruce Matabalao.


Tinalo ni Matabalao si incumbent Mayor Cynthia Guiani Sayadi.


Wagi din ang anak ng yumaong MILF Vice Chairman Political Affairs Ghadzali Jaafar na si Butch Abu sa pagka bise alkalde ng lungsod laban sa incumbent Vice Mayor Graham Nazer Dumama.


818 views
bottom of page