Kate Dayawan

COTABATO CITY - Abot sa isang daang residente ng Sultan Kudarat at Cotabato City ang nakabenepisyo sa inihandog na free iftar ng iMinds Philippines
Katuwang nito ang Arabic Language and Islamic Values Education ng Datu Shang National High School na pinangunahan ni Teacher Pahima Eman.
Kabilang sa mga nakatanggap ng libreng iftar ay limampung indibidwal sa Barangay Poblacion 7, Cotabato City na kinabibilangan ng mga sikad driver, mga kabataan ng Muslim religious group, mga ISAL o islamic studies and arabic language at mga residente sa lugar.
Samantala, limampung residente rin sa Barangay Katuli, Sultan Kudarat ang nakatanggap ng free iftar.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng public service activities ng iMinds Philippines na iCare.