top of page

ICM AHOD IBRAHIM, IPRINISINTA ANG MAHIGIT 85 BILLION PESOS PROPOSED BUDGET PARA SA FISCAL YEAR 2023

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



85, 359, 315, 687 ang halaga ng proposed budget para sa fiscal year 2023.


Ito ang isa sa malaking hakbang ng Bangsamoro Government na siguruhin ang pag-unlad at mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan sa Bangsamoro region.


Base sa inilabas na rekord ng Philippine Statistics Authority, -mula sa 1.9 percent na performance ng Regional Economies at Growth rates ng rehiyon tumaas pa ito sa 7.5 percent sa taong 2021.

Photo Courtesy: BTA Parliament


Bumababa rin ang poverty rate mula sa 55.9 hanggang 39.4 percent na kung saan, ang BARMM lang nakapagtala ng double digit reduction ng poverty incidence sa buong Pilipinas.


Samantala, para sa Fiscal Year 2023 target ng BARMM Government na pataasin ang Growth Rate ng rehiyon ng 6-6.5 percent, ibaba sa 3-4 percent ang unemployment rate, at ibaba rin sa 49 percent ang poverty Incidence.


Inilatag din sa sesyon ang pagkukunan ng pondo para sa Fiscal Year 2023.



Photo Courtesy: BTA Parliament


Ang magiging prayoridad ng BARMM Government sa susunod na taon, binigyang diin rin sa presentasyon sa sesyon kahapon.


91 views
bottom of page