top of page

IED, ISINABIT SA ISANG CHECKPOINT SA PIKIT, NORTH COTABATO

- Fiona Fernandez



Photo Courtesy: Dear FM


NORTH COTABATO -- Isang cellophane an naglalaman ng kahina hinalang bagay ang natagpuan isinabit sa mismong checkpoint ng Regional Mobile Force Battalion 12 sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato pasado alas otso ng umaga, araw ng Huwebes, June 16.


Ganap na 8:20AM nang makatanggap ng impormasyon ang himpilan ng Pikit Municipal Police Station hinggil sa cellophane na hinihinalal naglalaman ng improvised explosive device o IED.


Ayon sa Facebook post ni Pikit Mayor Sumulong Sultan, agad na rumesponde ang mga operatiba ng Pikit Municipal Police Station matapos na makatanggap ng report.


Agad namang kinordon ang lugar at hindi na muna pinadaan ang mga motorista.


Kasunod into ay dinisrupt na ng Provincial Ordnance Disposal Team ang cellophane na naglalaman ng kahina hinalang bagay.


Napagalaman na ang cellophane ay naglalaman isang Remote Frequency Receiver (EMYLO), 9 volts battery, Christmas light bulb, Litro ng Soy Sauce plastic container.


Bakas din ang hinihinalang itim na pulbura at ilang piraso ng concrete nails.


Nasa kustodiya na ng Cotabato Provincial EOD Team ang mga narekober na mga sangkap para sa imbestigasyong isasagawa upang malaman ang motibo at ang pagkakakilanlan ng suspek.


Samantala, hinigpitan na ng mga otoridad ang seguridad sa lugar.


Nananawagan naman ang PNP na i-report agad ang mga kahina-hinalang bagay na kanilang masasaksihan.

9 views
bottom of page