KATE DAYAWAN

(Photo courtesy: Melgeorge Ong Bedar) MAGUINDANAO - Ayon sa tagapagsalita ng PNP Maguindanao, Police Captain Fhaeyd Cana, nakasakay sa likurang bahagi ng kulay puti na pick-up ang 32 anyos na si Abdulrauf Usman. Tinatahak ng convoy ni Maguindanao Re-Electionist Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang Barangay Upper Nangi, Upi, Maguindanao, nang mangyari ang pagsabog dalawang daang metro mula sa convoy. Tinamaan din sa pagsabog ang sasakyan ng kumakandidatong board member ng ikalawang distrito ng Maguindanao Nathaniel Midtimbang. “Fragments ng alleged IED tumama doon isang Toyota Land Cruiser na pagmamay-ari ni Mr. Nathaniel Midtimbang” ayon pa kay Cana. Hinihintay pa ngayon ng PNP Maguindanao ang resulta ng Post Blast Investigation na isinagawa ng Explosive and Ordnance Disposal Team. Blanko pa ang otoridad sa grupong nasa likod ng pagpapasabog. Itinuturing naman ng PNP na isang suspected election related incident ang nangyari. “Dadaan pa sa committe ito for validation bago masasabing election related incident po ito” ayon pa kay Cana.