IILANG KOMPANYA NG LANGIS, MULING NAGPATUPAD NG OIL PRICE HIKE

Amor Sending| iNews | January 5, 2022




Cotabato City, Philippines - Epektibo kahapon ng alas-6 ng umaga, January 4 ang panibago na namang oil price hike na ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis.


Base sa abiso ng Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc, P2.40 ang itataas sa kada litro ng kanilang Diesel, P1.85 naman sa gasolina at Kerosene.


Hindi kasama sa pagtaas ng kerosene ang mga lugar na nasa State of Calamity dahil sa Bagyong Odette.


Samantala, Kaparehong halaga rin ang ipapataw ng Cleanfuel at Perto Gazz sa Diesel at gasolina.


Ang isinagawang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

7 views