top of page

ika-14 apat na Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross sa buong Pilipinas, pinasinayaan

Kristine Carzo | iNews | September 18, 2021



Cotabato City, Philippines- Opisyal ng pinasinayaan ngayong araw ng Sabado ang ika-labing apat na Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross sa buong Pilipinas na matatagpuan sa Mother Barangay Tamontaka Cotabato City.


Ang nasabing laboratory ay kayang makapag test ng 2,000 saliva RT-PCR test sa loob lamang ng isang araw na makakatulong upang mabilis na maka access ang mga Cotabateño at mga residente ng kalapit bayan na nais sumailalim sa SARS-COV2 o ang COVID-19 test.


Itatalaga sa laboratory ang 4 encoders, 12 medical technologists, 4 na specimen collectors at 6 na ancillaries.


Ayon kay Philippine Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon, ang pagtatayo ng mas maraming molecular laboratory ay makakatulong upang mapabilis ang testing capacity ng bansa at mapalakas ang paglaban sa Covid-19.


Dagdag pa nito na ang pagpapatest sa kanilang laboratoryo ay mas mura kung ikukumpara sa ibang testing centers sa bansa.


Ang saliva RT-PCR test ay nagkakahalaga ng 1,500pesos at 2,800pesos naman para sa swab RT-PCR test, wala namang babayaran kapag mayroong aktibong philhealth.


Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Philippine Red Cross ang License to operate na ibibigay ng Department of Health bago pa man ito buksan sa publiko.




1 view
bottom of page