ika-14 na Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross, pinasinayaan sa Cotabato City

Kristine Carzo | iNEWS | September 20, 2021


Cotabato City, Philippines - Opisyal ng pinasinayaan noong araw ng Sabado ang ika-labing apat na Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross sa buong Pilipinas na matatagpuan sa Mother Barangay Tamontaka Cotabato City.


Sa Molecular Laboratory ng PRC, kayang isagawa ang 2,000 saliva at swab RT-PCR tests sa loob ng isang araw.


Makakatulong ito upang mabilis na maka access ang mga Cotabateño at mga residente ng kalapit bayan na nais sumailalim sa SARS-COV2 o ang COVID-19 test.


Itatalaga sa laboratory ang 4 encoders, 12 medical technologists, 4 na specimen collectors at 6 na ancillaries.


Ayon kay Philippine Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon, ang pagtatayo ng mas maraming molecular laboratory ay makakatulong upang mapabilis ang testing capacity ng bansa at mapalakas ang paglaban sa Covid-19.

Dagdag pa nito na ang pagpapatest sa kanilang laboratoryo ay mas mura kung ikukumpara sa ibang testing centers sa bansa.


Sa molecular laboratory ang saliva RT-PCR test ay nagkakahalaga ng 1,500pesos at 2,800pesos naman para sa swab RT-PCR test. Walang babayaran kapag mayroong aktibong philhealth.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Philippine Red Cross ang License to operate na ibibigay ng Department of Health.




3 views