Kate Dayawan | iNEWS | Decembr 9, 2021

Photo courtesy :PNP PRO BAR
Cotabato City, Philppines - Matagumpay na natapos ng 142 na mga partisapante mula sa PNP, AFP at Moro Islamic Liberation Front - BIAF ang Joint Peace and Security Team Training at ganap nang mga full-pledged members ng JPST.
Kahapon, December 8, pinangunahan ni Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang closing ceremony kasama si PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng PRO-BAR na ginanap sa PRO-BAR Grandstand, Camp BGen Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao.
Ang 142 partisipante ay ide-deploy sa mga lugar na napagkasunduan ng Government of the Philippines o GPH at MILF na maaatasang idukomento ang mga private armed group at tumulong sa reduction and control ng mga armas.
Bukod dito ay susuportahan din ng mga ito ang pag-obserba sa umiiral na ceasefire agreement upang malutas at maiwasan ang karahasan at ang iba pang termino na napagkasunduan ng gobyerno at MILF.
Layunin ng nasabing training na mas mahasa pa ang mga dating MILF Combatants at pwersa ng gobyerno na maging competent peacekeeping forces at layon rin nito na magkaroon ang JPST members ng mga kaalaman at kaayahan upang epektibo nitong masunod ang kanilang mandato na masiguro ang kapayapaan at kaligtasan sa lugar na kung saan sila madedestino.