top of page

Ika-apat na kaso ng omicron sa Pilipinas, na-detect!

Joy Fernandez | iNEWS | December 28, 2021




Sa gitna ng pangamba na lumobo muli ang kaso ng Covid-19 sa bansa----


Na-detect na naman ang ika-apat na kaso ng mas nakahahawang Omicron Variant ng Covid-19.


Inihayag ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakita ang bagong variant mula sa isang 38 taong gulang na babae na dumating sa bansa noong December 10 galing America.


Una ng sumailalim sa quarantine ang naturang babae, ngunit pagsapit ng ikatlong araw ay sinipon at nagkaroon siya ng pangangati sa lalamunan.


Agad siyang isinailalim sa test noong December 14 at kinabukasan, ay lumabas ang resulta na positibo ang babae sa Omicron.


Nito lamang a bente kwatro ng disyembre nang matapos ang kanyang 10 day isolation period.


Ngayong araw, December 28 ay isinagawa naman ang reswabbing sa nasabing pasyente.


Patuloy na paalala ngayon ng mga eksperto na sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang hawaan at mapigilan ang pagkalat pa ng Covid-19 maging ang mga variant nito.

5 views
bottom of page