Kristine Carrzo | iNEWS | October 1, 2021
Cotabato City, Philippines - Maari nang gamitin ng mga Cotabateño na isinasailalim sa Quarantine at mayroong Mild Cases ng Covid-19 ang bagong gawang Ligtas COVID – 19 Center 2 ng siyudad.
Kahapon araw ng Huwebes ay opisyal nang binuksan sa publiko ang naturang pasilidad na matatagpuan sa Malagapas Barangay Rosary Heights 10 Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Administrator Dr.Danda Juanday, ito ay makakatulong hindi lamang sa mga residente ng lungsod ngunit maging sa Cotabato Regional and Medical Center kapag nagkaroon na ng kakulangan sa hospial beds ang CRMC.
Ito ay mayroong 27 mechanical beds, UV Light equipment, bed side fixtures, thermal scanners, oxymeters, oxygen tanks, blood pressure apparatuses, at air purifier.
Ang pasilidad ay pinondohan ng sampung milyong piso ng Department of Health Region 12.
