top of page

Ikatlong JPST Training, nagtapos na!

Kate Dayawan | iNEWS | October 7, 2021



Cotabato City, Philippines - Matagumpay na nagtapos ang ikatlong Joint Peace and Security Team Training na isinagawa sa PRO BAR Grandstand, Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao araw ng Martes, October 5.


161 na partisipante ang sumailalim sa naturang training. Ang mga ito ay miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front – BIAF.


Isa na ngayong full-pledged members ng JPST ang mga nasabing indibidwal kung madi-deploy ang mga lugar na kapwa sinang-ayunan ng GPH at MILF na tututok at dudukumento sa mga private armed group at tutulong na mabawasan at makontrol ang mga armas; suportahan ang ipinaiiral na ceasefire agreement upang matugunan at mapigilan ang ano mang kaguluhan at uba pang mga hakbang ng gobyerno tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mindanao.


Dumalo sa nasabing aktibidad si Basic, Higher and Technical Education Minister Mohagher Iqbal kasama sina Deputy Minister Von Alhaq, Co-Chair ng MILF JPSC, JPST MILF Training Director Abusama S. Manabilang at Bangsamoro Autonomous Region Training Center Chief PCol. Arnold Razote.


Layon ng nasabing pagsasanay na mas mahasa pa ng mga dating MILF Combatant at government forces ang kanilang mga kakayahan upang maging isang competent na peacekeeping forces.




0 views0 comments