top of page

ILANG BAHAGI NG LANAO, LUBOG SA BAHA DULOT NG LOW PRESSURE AREA

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 8, 2022

Photo courtesy : Ronix Salvador


Cotabato City, Philippines - Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng Low Pressure Area, inabot na ng tubig-baha ang ilang tulay sa Iligan City.


Alas singko pa lamang ng umaga kahapon ay todo bantay na sa paligid ang mga residente sa lugar.


Sa videong kuha ng netizen na si Ronix Salvador, makikitang 5:48 pa lamang ng umaga umapaw na sa Tubod bridge sa Iligan City ang tubig at hindi na ito madaanan ng tao.


Nag-collapse naman ang Merila Bridge sa lungsod pa rin ng Iligan.


Sa bayan naman ng Kauswagan sa lalawigan ng Lanao del Norte, linggo pa lang ay nagsilikas na ang ilang pamilya bunsod rin ng pagtaas ng tubig sa lugar.


Sa report mula sa Facebook page ng bayan ng Kauswagan, as of March 6, 2022, dalawang bahay na umano ang naanod bunsod ng rumaragasang tubig dala ng Low Pressure Area sa Barangay Lapayan.


Sa kasalukuyan ay patuloy na minomotor ng bawat lokal na pamahalaan ang sitwasyon habang nanatili pa sa evacuation center ang ilan sa mga naapektuhang pamilya.


End.




51 views
bottom of page