top of page

ILANG BAHAY, INANOD AT SINIRA NG BAHA SA IILANG BARANGAY NG DATU MONATAWAL, MAGUINDANAO

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



MAGUINDANAO - Kita sa kuhang video ng netizen na ito ang pagguho ng bahay na ito sa Barangay Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.


Ito ay kasabay ng pagtaas ng tubig baha sa iba’t-ibang bahagi ng barangay ng Datu Montawal.


Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Officer Balumol Kadiding, lubhang malambot ang lupa kung saan nakatayo ang bahay kaya’t tuluyan itong gumuho.


Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa pagragasa ng baha sa lugar.



Unti-unti rin naman daw humuhupa ang pagbaha sa bawat barangay at madadaanan na rin ang mga kalsada.


Samantala-

Laki naman ang pasasalamat ng ginang na ito dahil buti nalang daw, bandang tanghali na nang tumaas ang baha sa kanilang lugar.

Hanggang tuhod o minsa’y hanggang dibdib na ang taas ng baha sa kanilang lugar partikular sa Barangay Pagagawan, Datu Montawal.


Ayon sa mga residente ng lugar, mula daw sa Bukidnon ang tubig at bumbaba sa kanilang lugar dahil sa umaapaw na tubig sa dam.

Pero ayon sa initial assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Datu Montawal, dahil ito sa bumigay Na Flood Controller.


Sa ngayon, nasa area pa ang MDRRMO upang magsagawa ng initial assessment sa mga apektadong barangay at mga residente.

5 views
bottom of page