Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : PDEA BARMM
Cotabato City, Philippines - Sa dalawang araw na pagsasagawa ng deliberasyon ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program na pinangungunahan ni Director II Rogelito A Daculla, MPA, idinekla ng komite ang pagpapanatili bilang drug-cleared ang status ng 24 na barangay sa Lanao del Sur habang nanatili namang drug-free ang labing apat na barangay ng nasabing lalawigan.
Idineklara rin bilang bagong drug-cleared ang sampung barangay at anim ang drug-free na mga barangay sa Lanao del Sur.
Sa bilang ng mga nanatiling drug-cleared at drug-free barangay, labing isa dito ay mula sa bayan ng Taraka, lima sa Calanugas, labing siyam sa Kapai habang tatlo naman sa bayan ng Wao.
Habang ang mga bagong idineklarang drug-cleared at drug-free barangay ay nagmula naman sa bayan ng Madalum, Butig at Amai Manabilang.
Ang deliberasyon ng Barangay Drug Clearing Program ay alinsunod sa DDB Regulation No. 4, Series of 2021.
End.