Kael Palapar

COTABATO CITY — Sa unang araw ng administrasyon ng bagong halal na alkalde ng Cotabato City, Bruce Matabalao, sisimulan na umano ang pagpapatayo ng mga solar light units sa mga pangunahing lansangan maging sa mga kalsada ng tatlumpu't pitong barangay ng lungsod.
"Sa kaunanahang meeting natin with Minister Edward Guerra, ay napag-usapan natin ang mga proyekto na on the very first day of my administration ang uumpisahan ng gawin kagay ng pagpapaliwanag ng buong lungsod na magsisimula sa cityhall hanggang tamontaka at papunta ng downtown area para lumiwanag ang ating national highway. Itong solar light project ay tulotuloy rin sa lahat ng 37 barangays ng Cotabato City." sinabi ni Mayor-elect Matabalao
Naniniwala naman si Minister Edward Guerra ng Ministry of Public Works ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na dahil magiging maganda ang ugnayan ng regional governement at ni mayor-elect Bruce Matabalao, matutupad na ang ilang programang nakalaan para sa Cotabato City.
Bukod sa solar light units, ipagpapatuloy ng MPW-BARMM sa pamamagitang na lokal na pamahalaan ng Cotabato City ang ilang malalaking infrastructure projects.
"Ikokoneta natin ang Cotabato City mula Polloc, hindi itong existing but new road along coastal road." ani Guerra
"Magbubukas ito ng economic development para sa city at neighbouring towns ng lungsod." dagdag ni Matabalao
Sisiguruhin naman ni Guerra na isasakatuparan ang mga nasabing proyekto sa unang isang daang araw ng administrasyon ni Matabalao.
Si Matabalao ay iprinoklama bialng bagong alkalde ng Cotabato City matapos makakuha ng 35,751 votes laban sa kasalukuyang alkalde Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi na may 30,147 na boto.