Kael Palapar

BANGSAMORO REGION - Masaya ang mga estudyante ng Cotabato City National High School-Bubong Site sa kakatapos lamang na road project sa kahabaan ng Purok Bubong, Kalanganan dos, Cotabato City dahil naging maayos na umano ang daan papunta sa kanilang paaralan.
Ang road project na ito ay nakompleto sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund ng Office of the Member of the Parliament Mussolini Sinsuat Lidasan sa pakikipagtulungsa sa Ministry of Public Works ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o MPW-BARMM
Samantala, matagumpay namang itinurn over ng Office of Member of the Parliament Narciso Yu Ekey sa pakikipagtulungan naman sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE-BARMM ang water source development facility, solar submersible pumps at handwashing facilities saBrgy. Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Isang water system project din ang matagumpay ring itinurn over sa Barangay Buadi Amaloy in Masiu, Lanao del Sur na pinondohan sa ilalim naman ng Transitional Development Impact Fund ni Member of Parliament Diamila Ramos.
Nagsimula namang ang construksyon ng isang multi-purpose building sa bayan ng Buluan sa Maguindanao bilang isa sa mga proyekto ng Office of the Member of Parliament Bainon Karon na pinondohan sa ilalim ng kanyang Transitional Development Impact Fund.
Ang naturang building ay magsisilbi ring sub-office ng Bangsamoro Women Commission kung saan nagsisilbi rin bilang chairperson si MP Karon.