ILANG MEMBERS OF THE PARLIAMENT, PATULOY SA PAGPAPATUPAD NG KANILANG MGA PROGRAMA SA BARMM

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION - Masayang tinanggap ng Tenorio Elementary School at Broce Central Pilot School sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao ang water and sanitation facilities na matagumpay na itinurn over ng Office of the Member of Parliament Susana Anayatin.


Ang proyekto ay bahagi ng 2020 Transition Development Impact Fund ni MP Anayatin at ipapatupad ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE-BARMM.

Pinasinayaan naman ng Office of the Member of the Parliament Bainon Karon ang groundbreaking ceremony ng itatayong 180-meter multi-purpose building sa bayang ng Marantao sa Lanao del Sur.


Ito ay bahagi rin ng 2020 Transition Development Impact Fund ni MP Karon na ipapatupad naman ng Ministry of Public Works' First Engineering District sa probinsya ng Lanao del Sur.

5 views